Mayo 17, 2021
Mayo 17, 2021

Releasing Our Second CitizenSnap Report

Today we’re releasing our second annual CitizenSnap Report. The report outlines our Environmental, Social and Governance (ESG) efforts, which focus on running our business in a responsible way for our team, our Snapchat community, our partners and the broader world we are part of.

Note ng editor: Ipinadala ng CEO ng Snap na si Evan Spiegel ang sumusunod na memo sa lahat ng miyembro ng team ng Snapchat noong Mayo 17.

Team,

Inilalabas namin ngayong araw ang aming ikalawang CitizenSnap Report. Binabalangkas ng ulat ang aming mga pagsisikap para sa Kapaligiran, Lipunan at Pamamahala, na nakatuon sa pagpapatakbo ng aming negosyo sa responsableng paraan para sa aming team, komunidad sa Snapchat, mga katuwang at ang malawak na mundong kinabibilangan namin.

Mahalagang tungkulin ito para sa Snap. Naniniwala kaming moral na pangangailangan sa mga negosyo na magsikap sa paglikha ng malusog at ligtas na lipunan, at alam naming mahalaga ito sa daan-daang milyong Snapchatter na gumagamit sa mga serbisyo namin araw-araw.

Nagbibigay ang aming CitizenSnap report ng komprehensibong pagtanaw ng nagawa naming trabaho sa buong 2020 para suportahan ang aming mga komunidad at katuwang, kabilang na ang mga pagsisikap na bigyang kaalaman at imulat ang mga Snapchatter sa panahon ng pandaigdigang pandemya, palakasin sila para maiparinig ang kanilang tinig sa pamamagitan ng pagboto, at itampok ang kanilang iba't ibang boses at kuwento. Ginawa namin ito habang pinalalalim ang aming pangako sa pagbubuo ng pagkapribado, kaligtasan, at etika sa aming mga produkto at platform, at patuloy na magtrabaho tungo sa pagiging kompanyang may pagkakaiba-iba, inklusibo at hindi-racist.

Ipinakikilala rin ng aming ulat ang isang mapag-adhikang tatlong-bahaging diskarte sa klima, para gawin ang parte namin na kumilos sa kinakailangang bilis at sukat. Ipinagmamalaki naming ibahagi na kami ay isang walang-karbong kompanya na ngayon, sa nakaraan, sa kasalukuyan, at sa hinaharap. Pinagtitibay namin ang mga nakabatay sa siyensya na target sa pagbabawas ng paglalabas at pinaaaprubahan namin ang mga ito sa organisasyon na namumuno sa inisyatibang ito sa daigdig, na nagpapabilang sa amin sa iilang kompanya sa lugar namin na nakagawa nito. At nangangako kami sa pagbili ng 100% napapanibagong elektrisidad para sa mga pasilidad namin sa buong mundo. Simula pa lamang ang mga pangakong ito. Patuloy naming babaguhin ang aming mga programa sa klima para makasabay sa pinakamahuhusay na gawi, at sinisimulan namin ang proseso ng paggawa ng isang Net Zero na pangako sa susunod na taon.

Para samahan ang aming ulat, ipinakikilala rin namin ngayong araw ang binagong Kodigo sa Pag-uugali, [IDAGDAG ANG LINK]. Binibigyan ng Kodigo ang mga miyembro ng aming team ng etikal na balangkas sa pagdedesisyon na dinisenyo para tulungan kaming mas malawak na mapag-isipan ang tungkol sa ibig sabihin ng paggawa ng tama, para sa lahat ng mga stakeholder namin, sa pandaigdigang negosyo. Nakabatay ang balangkas sa pagpapahalaga ng kompanya namin sa kabutihan. Ang pagpapatakbo ng negosyo nang may kabutihan ay nangangahulugan na mayroon tayong tapang na makinig sa at magsalita ng katotohanan, gumamit ng pagdamay para maunawaan ang epekto ng aming mga kilos, at pumili ng mga aksyong nagtatanim ng tiwala sa aming mga stakeholder. Tinutulungan kami ng Kodigo hindi lamang para makaiwas sa maling pag-uugali, ngunit para rin itaguyod ang kagalingan ng aming mga stakeholder bilang bahagi ng kahulugan ng pagpapatakbo ng responsableng negosyo.

Noong nakaraang taon, isinulat namin na ang aming CitizenSnap Report namin ay isang "borador" pa lang, na sumasalamin sa aming paghahangad na matuto, lumaki, umulit. Totoo pa rin naman 'yun, at palaging magiging ganoon. Mula sa maaagang bahagi namin, nakagawa kami ng magkakaibang pagpipilian tungkol sa kung paano mabubuo ang aming platform at mapapatakbo ang aming negosyo. Nananatili kaming nakatuon sa pangmatagalang laban. Habang tinatanaw namin ang hinaharap, patuloy kaming magiging matapat tungkol sa kung anong nakamit namin at kung saan kami nagkulang. At patuloy kaming gagawa ng mga desisyon na nakatuon sa pagiging karapat-dapat sa tiwala ng mga komunidad na pinaglilingkuran namin.

Sinasalamin ng aming CitizenSnap report ang kasigasigan sa pagtatrabaho at kagustuhan ng napakaraming team sa kompanyang ito, sa panahon ng napakahirap na taon. Nagpapasalamat ako sa inyong lahat dahil sa layo na ng ating inabot -- at masigla dahil sa trabahong naghihintay para sa amin.

Evan