Nobyembre 23, 2020
Nobyembre 23, 2020

Rewarding Creativity on Spotlight: Shining a Light on the Best Snaps

Spotlight shines a light on the most entertaining Snaps created by the Snapchat community, no matter who created them. We built Spotlight to be a place where anyone’s content can take center stage - without needing a public account, or an influencer following. It’s a fair and fun place for Snapchatters to share their best Snaps and see perspectives from across the Snapchat community.

Itinatampok ng Spotlight ang pinakanakaaalis na Snaps na nilikha ng Snapchat community, nang hindi isinasaalang-alang kung sinong lumikha sa mga ito. Itinatag namin ang Spotlight upang maging lugar kung saan pwedeng maitampok sa entablado ang content ng kahit na sino - nang hindi nangangailangan ng public account, o ng pagiging influencer. Isa itong patas at nakatutuwang lugar para magbahagi ang mga Snapchatter ng pinakamagaganda nilang Snaps at makita ang mga pananaw mula sa buong Snapchat community.

Ang Aming Mga Rekomendasyon

Gumagana ang aming content algorithms uapng maipalutang ang pinakanakakaengganyong Snaps na magiging interesante para sa iyo. Nakatuon tayo sa paghahatid ng tamang Snaps sa tamang tao, sa tamang oras. Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng pagsisikap na maunawaan ang iyong mga personal na kagustuhan.

Tinitingnan ng aming ranking algorithm ang mga salik na nagpapakita na interesado ang mga tao sa isang partikular na Snap, tulad ng: dami ng oras na iginugugol ng mga tao sa panonood nito, kung ginawa ba itong paborito, at kung ibinabahagi ito sa friends. Isinasaalang-alang din nito ang mga negatibong salik, kabilang kung mabilis na ini-skip ng viewer ang panonood ng Snap. Ang Snaps na lumalabas sa Spotlight ay maaaring mula sa mga Snapchatter na may pribado at personal na account, o mula sa Snap Stars na may mga pampublikong profile at milyon-milyong Subscriber.

Pagpapasulpot ng Mga Bagong Uri ng Libangan

Upang makatulong sa pagpapalutang ng mga bagong uri ng content na maaaring pagkainteresan ng Snapchatters, at mapigilan ang mga echo chamber, inilakip namin mismo sa karanasan sa Snapchat ang pagkakaiba-iba. Nagsisikap kami para tiyakin na ang ating algorithms ay binubuo habang nasa isip ang iba't ibang resulta.

Ginagawa namin iyon sa ilang paraan, kabilang ang pagbubuo ng aming algorithmic models gamit ang iba't ibang training data set, at pagsusuri ng aming models kung may pagkiling o diskriminasyon ba ito. Gumagamit din kami ng mga mekanismo ng "eksplorasyon" upang matiyak na makakakita ka ng mga bago at iba't ibang libangan sa Spotlight. Mas patas na ikinakalat ng pamamaraang ito ang views sa malawak na grupo ng mga creator. At, tinuturuan nito ang aming algorithmic models na dapat maging bahagi ng kanilang likas na paggana ang pagkakaiba-iba at pagsasama sa lahat

Halimbawa, kapag ipinakita mo sa amin sa Spotlight na gusto mo talaga sa mga aso, gusto ka naming bigyan ng naktutuwang Snaps ng mga tuta! Pero, gusto din naming tiyakin na napapalutang namin ang iba pang uri ng content, iba pang creator, iba pang katumbas na larangang pagkakainteresan om, tulad ng mga creator na nakatutok sa kalikasan, mga video tungkol sa paglalakbay, o kahit iba pang hayop.

Pagbibigay ng Gantimpala sa Pagiging Malikhain

Dinisenyo ang Spotlight para gantimpalaan ang pagiging malikhain sa paraang patas at masaya, at namamahagi kami ng mahigit $1 milyong dolyar araw-araw sa mga Snapchatter. Dapat 16 na taon o mas matanda ang Snapchatters, at kung saan naaangkop, ay humingi ng pahintulot ng magulang para kumita. Tatakbo ang programa hanggan sa katapusan ng 2020, at posibleng lampas pa.

Ang mga kikitain ay tutukuyin ng pag-aaring formula na nagbibigay ng gantimpala sa Snapchatters na pangunahin ay batay sa kabuuang bilang ng natatanging views ng video na makukuha ng isang Snap sa isang takdang araw (kinakalkula gamit ang Pacific Time) ayon sa ikinukumpara sa performance ng ibang Snaps noong araw na iyon. Maraming Snapchatter ang kikita araw-araw, at iyong mga lilikha ng mga mangungunang Snap sa loob ng grupong iyon ay kikita ng pinakamalaki para sa kanyang pagiging malikhain. Aktibo kaming susubaybay kung may manloloko, upang matiyak na ibibilang lamang namin ang tunay na engagement sa mga Snap. Maaaring baguhin ang aming formula sa pana-panahon.

Upang lumabas sa Spotlight, lahat ng Snaps ay dapat sumunod sa aming Community Guidelines, na nagbabawal sa pagpapakalat ng maling impormasyon (kabilang ang mga conspiracy theory), mapanlinlang na content, hate speech, kalaswaan o pagmumura, pambu-bully, harassment, karahasan, at marami pang iba. At, ang Snaps na ipinasa sa Spotlight ay dapat sumunod rin sa aming Spotlight Guidelines, Terms of Service, at Spotlight Terms.

Bumalik sa Mga Balita