Habang patuloy na naghahanda at tumutugon ang mga komunidad sa krisis ng pampublikong kalusugan na dala ng COVID-19, gusto naming magbahagi ng update sa mga pagsisikap namin na unahin ang kalusugan at kaligtasan ng komunidad ng Snapchat, aming mga partner, aming team, at ang mundong ginagalawan nating lahat.
Isinasagawa ng aming pandaigdigang team ang physical distancing at ginagawa namin ang aming bahagi sa pakikiisa sa mas malaking pagsisikap para sa pampublikong kalusugan para makatulong na pabagalin ang pagkalat ng virus. Nagtutulong-tulong kaming lahat para suportahan ang ating komunidad at ang ating mga partner habang nililibot natin ang hinaharap nating hamon nang magkasama.
Pinaglalapit ng Snapchat ang magkakaibigan at magkakapamilya kahit na magkakalayo sila—at nagpapasalamat kami para sa oportunidad na matulungan ang mga tao na manatiling magkakaugnay sa panahong ito. Nakita namin ang pagtaas ng pakikipag-ugnayan sa buong serbisyo namin at nagsisikap kami nang mabuti na panatilihing maayos na gumagana ang lahat.
Naniniwala kaming malaki ang papel na ginagampanan ng mga Snapchatter para mapigilan ang pagkalat ng virus. Makakatulong ang komunidad natin sa pamamagitan ng paggamit ng buong lakas ng teknolohiya habang pinananatili ang pisikal na distansya—maging sa pakikipag-ugnayan sa mga mahal sa buhay, paglalaro kasama ng mga kaibigan, o pananatiling may alam.
Narito ang mabilis na update sa ilang mga bagay na ginagawa namin para makatulong:
Inilunsad namin ang creative tools para matulungan ang mga Snapchatter na ibahagi sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak ang pinakamahuhusay na gawi na aprubado ng mga eksperto, kabilang na ang pambuong mundong Filter na may payo sa ating komunidad kung paano manatiling ligtas. Nakuha ang impormasyong ito sa World Health Organization, at nakakonekta sa website nito para sa higit pang impormasyon.
Mahigpit kaming nakikipagtulungan sa WHO at sa Centers for Disease Control and Prevention para siguraduhing mayroon ang mga Snapchatter ng pinakabagong impormasyon mula mismo sa mga eksperto. Naglalabas ang WHO at CDC ng regular na update para sa mga Snapchatter mula sa kanilang mga Opisyal na Account at nakipagtulungan kami sa WHO para magpaunlad ng custom na content para sagutin ang mga katanungan mula sa ating komunidad.
Dahil sa pagkabahala at pagkabalisa na nararanasan ng mga tao, pinabilis namin ang paglulunsad ng bagong feature, ang Here For You, na nagpapakita ng mga resource mula sa mga ekspertong local na partner kapag naghahanap ang mga Snapchatter ng mga paksa kaugnay ng kalusugan ng pag-iisip, pagkabahala, kalungkutan, pagkabalisa, pag-iisip ng pagpapakamatay, pagluluksa at pambu-bully. Para tumugon nang partikular sa coronavirus, nagdagdag din kami ng bagong seksyon na nagpapakita ng content sa pagkabalisa na may kaugnayan sa COVID-19 na inilalabas ng WHO, CDC, Ad Council, at Crisis Text Line.
Nagbibigay kami ng mapagkakatiwalaang content. Ang content platform namin na Discover ay naka-curate at nakikipagtulungan kami sa mga piling partner kabilang na ang ilan sa pinakapinagkakatiwalaang organisasyon sa pagbabalita sa buong mundo. Pinagbabawalan ng guidelines namin ang mga Snapchatter at ang aming mga partner mula sa pagbabahagi ng content na nakakapanloko o tahasang nagpapakalat ng maling impormasyon na nagdudulot ng pinsala, at wala kaming bukas na news feed kung saan ang mga inaayawang publisher at indibidwal ay nagkakaroon ng pagkakataong magpalaganap ng maling impormasyon.
Mahigit tatlong dosena ng mga partner na ito ang naglalabas ng patuloy na pagbabalita tungkol sa COVID-19 kabilang na ang "StayTuned" ng NBC News, The Washington Post, SkyNews, The Telegraph, Le Monde, VG, Brut India, at Sabq.
Regular ding naglalabas ang sarili naming news team ng pagbabalita at patuloy nitong ina-update ang Discover sa pamamagitan ng mga tip at impormasyon tungkol sa COVID-19, kabilang na ang mga Q&A kasama ang mga eksperto sa medisina.
Simula pa lang ito. Nagtutulungan kaming lahat para makahanap ng mas marami pang paraan para suportahan ang komunidad. Iniisip namin kayong lahat, at ipinapadala namin ang napakaraming pagmamahal sa napakahirap na panahon na ito.