Setyembre 24, 2024
Setyembre 24, 2024

Nakipag-partner ang Snap sa Google Cloud para Paganahin ang mga Multi-Modal Generative AI Experience sa My AI

Ngayon, inaanunsyo namin ang mas pinalawak na strategic partnership kasama ang Google Cloud para paganahin ang mga generative AI experience sa My AI, ang AI powered chatbot namin at isa sa pinakamalaking chatbot na available ngayon.

Gagamitin namin ang malakas na multimodal na kakayahan ng Gemini on Vertex AI, lalo na ang kakayahan ng teknolohiya na maunawaan at mag-operate sa iba't ibang uri ng impormasyon katulad ng text, audio, image, video at code para mag-alok ng mga mas nakakatuwa at makabagong feature para sa aming komunidad ng Snapchat sa pamamagitan ng My AI. Halimbawa, sa Gemini on Vertex AI na naka-integrate sa app, maaaring magtanong ang mga Snapchatter sa My AI para itranslate ang larawan ng isang street sign habang nasa biyahe sa ibang bansa o mag-record ng video ng iba't ibang snack na iniaalok para tanungin kung alin dito ang pinakamagandang opsyon.

Habang patuloy kaming nag-i-invest sa AI, nakikita na namin ang matibay na halaga sa negosyo ng aming pakikipag-partner sa Google Cloud. Simula ng ginamit namin ang Gemini on Vertex Ai para suportahan ang My AI, higit sa 2.5X na pagtaas sa engagement ang nakita namin sa My AI dito sa US. 1Magbasa pa dito.

Bumalik sa Balita

1 Internal data ng Snap Inc. 8/27/2024 - 9/2/2024.

1 Internal data ng Snap Inc. 8/27/2024 - 9/2/2024.