Inilalabas namin ngayong araw ang aming ikalawang Taunang Ulat sa Pagkakaiba-iba (TUP), na nagbabahagi ng aming komprehensibong data sa lakas paggawa ng 2020 at sa pagsulong na nagawa namin tungo sa paunang layunin ng representasyon na itinakda namin noong nakaraang taon sa aming unang TUP. Sa ulat ngayong taon, nangangako kami ng bago, mas ambisyosong mga layunin at inisyatiba na makakatulong sa amin na patuloy na maging patas, mapagkasama, at hindi rasistang kompanya. Maaari mong mabasa ang ulat at makapanood ng video rito:
Gaya ng pagkakaalam natin, malalimang hinamon ng 2020 ang paraan ng pag-iisip at pagkilos natin. Itinulak tayo nitong mag-isip nang mas mahaba at mas mabuti tungkol sa manipis na sukat ng gawain para makapagtatag ng pagkamakatarungan sa negosyo at lipunan. Itinuro sa atin nitong kayang baguhin ng kuwento ng isang tao ang mundo; na mahalaga at kailangang sukatin ang pakikiramay; at na trabaho ng lahat ang pagkakaiba-iba, pagkamakatarungan, at pagsasama.
Ibinabahagi ng ulat ngayong taon ang aming kuwento ng pagbabago ng mga puso, isip, at prayoridad sa negosyo. Nagpapakita ang data ng 2020 namin ng magkahalong kuwento -- nakagawa kami ng pagsulong sa pagpapataas ng representasyon sa ilang mahahalagang lugar ngunit sa ilang lugar naman ay mas maliliit na natamo kaysa sa inaasahan namin.
Upang direktang harapin ang mga lugar na kinakailangan naming pagbutihin nang lubos at patuloy na itayo ang pundasyong inilatag namin noong nakaraang taon, nagtatatag kami ng mga panibagong layunin sa representasyon; dinidisenyo naming muli ang aming mga sistema para makapagtayo ng higit pang inklusibong mga produkto na gagana para sa lahat ng mga Snapchatter, simula na sa camera sa sentro ng aming app; at paglalabas ng mga komprehensibong mekanismo sa pagpapanagot, kabilang na kung paano namin sinusukat ang lahat ng miyembro ng aming team sa kanilang mga kontribusyon sa aming mga layunin sa DEI.
Habang wala pa kami sa hinahangad naming marating, nakakita na kami ng malalim na pagbabago sa aming buong team sa napakaraming paraan. Lubos kaming nagpapasalamat sa inyo na walang-sawang nagtulak sa amin sa tamang landas sa matagal na panahon. Gaya ng binanggit namin sa ulat na ito, nangangako kami nang pangmatagalan dahil napakahalaga ng DEI para sa amin: Ito ay tungkol sa kung sino kami, ang mga asal na tinatanganan namin, at kung ano ang inihahatid namin sa mundo.
Evan at Oona