Mayo 25, 2023
Mayo 25, 2023

Ipinagdiriwang ng Snapchat ang Summer kasama ang Supergoop! at OPI

Ang Snapchat ang dapat puntahan para madiskubre, masubukan, at makabili ng pampaganda mula sa brands na gusto mo, gamit ang AR na ginagawang mas personal at mas madaling gawin ang pagsa-shopping kaysa dati. 

Sa pagsisimula ng summer, masaya kaming i-announce ang partnership sa mga paboritong brands Supergood! at OPI gamit ang AR experiences na makakatulong sa Snapchatters na makuha ang the best sa beauty sa panahong ito.

Para ipadiriwang ang paglulunsad ng Lipshade — ang buildable na matingkad na lip color sa madaling ilagay na shades na nagno-nourish, nag-hahydrate, at nagbibigay proteksyon na may 100% mineral SPF para sa mas natural na malambot at makinis na labi — ang  Supergoop! ay nakipagteam-up sa Snapchat sa AR try-on Lens na hahayaan kang maglagay ng apat na kulay ng Lipshade para makapagdesisyon ka kung ano ang pinakabagay sa iyo, nang hindi ka tumutuntong sa store.

Nakipagpartner din kami sa OPI sa Nail Laquer Lens, na hahayaan ang Snapchatters na subukan ang walong OG nail polish shades na nagpasimula sa lahat — ang award-winning at matingkad na formila ng OPI na kuhang-kuha ang kalidad ng mukhang-salon. Ang Lens na ito ay gumagamit ng first-of-its-kind na Snap AR tech na tinatawag na Nails Segmentation, na ginagawang mas makatotohanan kaysa dati ang karanasan ng nail try on. Madaling ipahid ang mga kulay, walang pantanggal ng nail polish ang kinakailangan.

Sa Snap Camera, ang bawat produkto ay akma sa bawat shopper, na hahayaan kang sumubok sa mga produkto sa sarili mong lugar, para mas makapagdesisyon ka ayon sa alam mo. Hindi kami makapaghintay na makita ang Snapchatters na gamitin, ibahagi sa iba, at bilhin ang bagong lenses na ito mula sa Supergoop! at OPI.

Bumalik sa Mga Balita