Available na ang Snapchat sa Google Play Store para sa lahat ng Android device na gumagamit ng v2.2 o mas mataas na bersyon.
Hindi lang ito kopya ng aming iPhone app. Ninais naming gumawa ng totoong Android app, at naglaan kami ng napakaraming oras para lang itama ito. Sa lahat ng iba't ibang device, na may magkakaibang camera hardware bawat isa, mahirap bumuo ng app na gagana nang maayos para sa bawat user. Nagsimula kami sa pamamagitan ng pagbubuo ulit ng camera layer mula sa baba pataas sa OpenGL para siguruhing magkakaroon ang lahat ng fullscreen camera preview, kahit na hindi naman talaga ito suportado sa device. Tapos, bumuo kami ng bago at napakabilis na paraan para makapagpadala ng mga larawan at i-load ang mga ito sa feed, at isinama iyon sa isang napakahusay na custom interface. Labis-labis ang tuwa namin na ihatid sa inyo ang talaga namang first-class na Android app.
Napakalaking pasasalamat sa inyong lahat ng aming fans para sa inyong suporta – alam naming kailanman hindi masaya ang maghintay – at talagang pinahahalagahan namin ang lahat ng inyong nanghihikayat na email, tweet, at mensahe sa facebook. Ginagawa ninyong sulit ang mga magdamagang pagtatrabahong iyon.
Kung may makita kayong bug, ipaalam sa amin! Kinaya pa lamang naming mag-test sa 250 device-at maliit na bahagi pa lang iyon ng mundo ng Android.
BTW iPhoners…maghanda sa pinakabaliw na Snapchat release-malapit na :)