Simula ngayong araw na ito, nagpapakilala kami ng bagong paraan para maka-discover ang mga Snapchatter ng mga live event kasama ang friends nila, sa pakikipagtulungan sa Ticketmaster.
Gamit ang bagong Layer ng Snap Map, magagawa ng mga Snapchatter na i-browse ang kumpletong catalog ng Ticketmaster ng mga paparating na event batay sa nangyayari malapit sa kanila. Makikita nila roon ang lahat, mula sa comedy hanggang sa sports, mga concert mula sa mga sikat na sikat na personalidad ngayon, o mga indie show mula sa mga pinakabagong rising star. Kapag nakahanap sila ng show na gusto nila, pwede silang mag-tap para makapasok at mag-invite ng friends nila sa pamamagitan ng mga sticker na pina-plug in mismo sa Snapchat Camera, o pwede rin silang bumili ng mga ticket doon sa pamamagitan ng maayos na proseso ng pag-checkout.
Sa pamamagitan ng Ticketmatcher Mini ng Ticketmaster, magagawa ng mga Snapchatter na i-share ang kanilang mga paboritong artist at genre, at ima-match sila sa mga event malapit sa kanila batay sa personal preferences nila. Mula roon, pwede silang mag-swipe pakaliwa o pakanan para mag-browse, at ita-track ng Mini ang mga na-save nila.
Sabik na sabik kaming magkaroon ng partnership kasama ang Ticketmaster, ang pinakamalaking ticket marketplace sa mundo, para maihatid ang kauna-unahang uri ng karanasang ito para sa mga Snapchatter sa mahigit 20 bansa sa buong mundo.