Ngayong araw na ito, inilunsad namin ang Sounds na isang bagong feature para makapagdagdag ka ng music at mailagay mo ang mga sarili mong gawa sa Snaps mo. Kasama sa aming catalogue ang isang eksklusibong preview ng bagong kanta nina Justin Bieber at benny blanco na pinamagatang "Lonely."
Magagawa na ngayon ng mga Snapchatter sa iOS sa buong mundo na magdagdag ng music sa kanilang Snaps (bago o pagkatapos ng pag-capture) mula sa de-kalidad at na-curate na catalogue ng music na gawa ng mga bago at tanyag na artist. Kapag may music, nagiging mas ekspresibo ang mga ginawang video at komunikasyon, at nagkakaroon ka ng personal na paraan para magrekomenda ng music sa pinaka-close friends mo. May average na mahigit sa 4 na bilyong Snap ang nagagawa araw-araw*.
Kapag nakatanggap ka ng Snap na may Sounds, puwede kang mag-swipe pataas para makita ang album art, pamagat ng kanta, at pangalan ng artist. Sa pamamagitan ng link na "I-play ang Kantang Ito," mapapakinggan mo ang buong kanta sa paborito mong streaming platform, kabilang ang Spotify, Apple Music, at SoundCloud.
May mga multi-year na kasunduan na ngayon ang Snap sa mga pangunahin at independent na publisher at label, kabilang ang Warner Music Group, Merlin (kasama ang kanilang mga miyembro ng independent na label), NMPA, Universal Music Publishing Group, Warner Chappell Music, Kobalt, at BMG Music Publishing.
Dagdag pa rito, magiging tampok na eksklusibo rin ang bagong kanta nina Justin Bieber at benny blanco na pinamagatang "Lonely" sa listahan ng Itinatampok na Sounds ng Snapchat ngayon. Magagawa ng mga Snapchatter na gumawa ng magagandang Snap na kasama ang kanilang bagong kanta, i-share ang mga ito sa kanilang friends, at i-save ang link para ma-download ang buong kanta kapag available na ito sa kanilang paboritong streaming platform.
Bukod pa sa music, sinusubukan din namin ang kakayahan para sa mga Snapchatter na gumawa ng sarili nilang mga tunog at idagdag ang mga ito sa Snaps. Ilulunsad ito sa buong mundo sa mga paparating na buwan.
*Snap Inc. internal data Q1 2020.