Kasama ang mahigit sa 250 milyong Snapchatter na gumagamit ng augmented reality araw-araw, ang nangungunang AR Lens technology ng Snap kasama ang Sounds ay parehong nagbibigay ng higit na kakaibang karanasan sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan, at isang makapangyarihang distribution tool para sa mga artista para ibahagi ang kanilang musika sa mga tagahanga. Mula nang ilunsad ang Sounds, ang mga video na ginawa gamit ang musika mula sa Sounds sa Snapchat ay sama-samang nagresulta sa mahigit 2.7 bilyong video na nilikha at higit sa 183 bilyong mga view!
Ngayon, nananabik kaming ianunsiyo ang Sounds Recommendations para sa Lenses at Sounds Sync para sa Camera Roll, ang mga bagong Sounds creative tool na mas lalo pang nagpapadali sa paglikha at pagbahagi nito.
Ang mga Sounds Recommendation para sa Lenses ay isang bagong paraan para makakita ang mga Snapchatter ng kaugnay na Sounds para bumagay sa isang Lens. Kapag naglalagay ng isang Lens sa isang larawan o video, maaaring pindutin ng mga Snapchatter ang Sounds icon para ma-access ang isang listahan ng mga kaugnay na Sounds para idagdag sa isang Snap. Available sa US at ilulunsad sa buong mundo sa iOS at Android.
Ang Sounds Sync para sa Camera Roll na mga larawan at video ay nagpapahintulot sa mga Snapchatter na lumikha ng mga montage video na awtomatiko nang sasabay sa himig at tiyempo ng mga audio track mula sa Sounds library. Maaaring pumili ang mga Snapchatter sa pagitan ng 4-20 mga larawan/video mula sa kanilang camera roll. Available sa US at ilulunsad sa buong mundo sa iOS at magkakaroon na rin sa Android sa Marso.
"Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng karanasan sa paggamit ng Sounds, mas pinadadali at pinabibilis ng Snapchat para sa mga Snapchatter ang pagtuklas at pagbahagi ng musikang gusto nila sa kanilang mga kaibigan," ang sabi ni Manny Adler, Head ng Music Strategy sa Snap. "Lumikha rin ang Snapchat ng isang kakaibang pagkakataon para sa mga artista na maabot ang isang mahalaga at naeengganyong mga tagapakinig, habang inaakay din ang mga tagahanga na makinig sa buong kanta sa mga serbisyo ng streaming."
Happy Snapping!