Abril 19, 2023
Abril 19, 2023

SPS 2023: Mga Bagong Feature ng Snapchat para Pasiglahin ang mga Friendship Mo

Para tulungan kang manatiling konektado sa mga taong pinakamahalaga sa iyo

Sa Snapchat, napakaraming paraan para makipag-ugnayan, ipaghayag ang sarili, at ipagdiwang ang mga natatanging frienship mo. Ngayon, nagbahagi kami ng mga bagong update pra tulungan kang makipag-ugnayan sa mga taong pinakamahalaga sa iyo—ang friends at kapamilya mo. 

Pagtawag

Kada buwn, mahigit sa 100 milyong Snapchatter ang nakikipag-ugnayan gamit ang voice call at video call. 1Ngayon, lalo ka pang mapapalapit sa friends mo gamit ang mga pagtawag... gamit ang bagong Calling Lens na pinapayagan kang kumawala sa grid at lumabas na magkasama, sa iisang frame, at malapit ka na ring makapaglaro ng games at lumutas ng mga puzzle habang virtual na nag-uusap.

Stories

Simula noong 2013, nag-share ka ng buhay mo sa friends mo gamit ang Stories, at ngayon, may dalawang bagong paraan para ipakita kung ano ang pinagkakaabalahan mo. Ang una ay isang bagong uri ng Story na tinatawag na 'After Dark.' Sa susunod na nagpupuyat ka para mag-aral o nagpapalipas lang ng oras, mag-add ng After Dark Story. Sa umaga, tingnan kung paano ipapakita ang Story para ibuod ang nangyari noong gabi. Ang ikalawa ay ang Communities, isang feature na pinapayagan kang i-share ang opinyon mo sa iyong mga kaklase. Sa buong buwan, ilulunsad ang Communities sa mga karagdagang paaralan. 

Bagama't idinisenyo ang Snaps at Chats na default na mabubura, napakaganda ng ilang Snaps para hindi i-save. Katunayan, pinapanood nang mahigit isang bilyong beses kada araw ang mga flashback na ginawa mula sa Snapchat Memories, at ngayon, ipinapakita namin ang mga throwback sa mismong mga chat mo sa friends mo, kaya puwede mong balikan ang mga sandaling binubuo ng mga paborito mong Snaps na magkakasama mong na-save. *

Snap Map

Napag-uusapan na lang din naman ang Snap Map, nag-add kami ng bagong opsyon para sa pag-share ng location, na pinapadaling malaman kung nasaan ang isa't isa habang on the go. Abangan din ang mga bagong landmark na nasa 3D, at mga bagong tag sa mga lugar na pinag-uusapan kagabi ng friends at mas malawak na community ng Snapchat. 

Sa Snap Map at higit pa, ipinapakita ng 1.7 bilyong Snapchatter ang kanilang Bitmoji. * Ngayong taon, nag-add kami ng mga shoppable fashion para hindi mo lang maging kamukha ang Bitmoji mo, kung hindi makapagsuot din ng damit na gaya ng sa iyo. Malapit na rin kaming magkaroon ng marami pang mapagpipiliang style, at magkakaroon ng buhay ang lahat ng ito sa isang bagong dimensinsion na may na-update ng avatar style na mas nagpapahayag at personal. 

Hindi lang ang Bitmoji fashion ang tanging paraan para mapansin ka sa crowd. Ngayon, mahigit sa 3 milyong Snapchatter ang nagku-customize ng kanilang Snapchat gamit ang mga exclusive na feature na available sa pamamagitan ng Snapchat+, at hindi magtatagal, makakabili na ng subscription ang mga customer ng Verizon na gustong mag-upgrade sa pamamagitan ng kanilang +play platform. 4

Happy Snapping!

Bumalik sa Mga Balita