Sinusubukan namin ngayon ang bago at pinasimpleng Snapchat na ini-oorganize ang app sa loob ng pakikipag-usap sa mga kaibigan, paggamit sa camera at panonood ng mga Snap mula sa mga kaibigan at ang mas broad na komunidad ng Snapchat kabilang ang mga creator at publisher.
Matagal na naming tinatrabaho na pagsamahin ang Stories at Spotlight Ngayon, sa bago at pinasimpleng disenyo na ito, mas may personal at nauugnay na karanasan sa panonood ang mga Snapchatter. May potensyal din na makatulong ang update na ito sa mga creator at publisher partner na makahanap ng mga bagong audience sa mga bagong platform at pangmatagal na suportahan ang aming negosyo sa advertising.
Ganito gumagana ang Simple Snapchat:
Mag-open sa Camera:
gaya ng dati, kapag nag-open ng app ang mga Snapchatter, agad nilang makikita ang kanilang mundo sa pamamagitan ng aming camera, para madali silang makakuha at magbahagi ng Snap.
Lahat ng pag-uusap sa isang lugar:
Sa kaliwa ay ang Chat – Ang home ng lahat ng pag-uusap ng mga Snapchatter. Nasa top ng mga pag-uusap ang mga Stories ngayon, dahil pangunahing bahagi ng ating pakikipag-ugnayan ang pagbabahagi at pagtugon sa mga Stories
Maaari ding pumunta ang mga Snapchatter sa Snap Map ula sa button na nasa ilalim ng tab na ito, na nagpapadali sa pag-convert ng mga pag-uusap sa mga plano sa totoong buhay.
Naka-personalize na content, para sa iyo:
Sa bandang kanan, makikita ng mga Snapchatter ang isang bagong karanasan na pinagsasama ang mga Stories at Spotlight na video. Pinapagana ito ng aming kauna-unahang pinagsamang sistema sa pagrerekomenda - na sa tingin namin ay pinaka-personalize na karanasan na sa ngayon.
Naka-prioritize ang mga video na galing sa mga kaibigan at nakabatay ang mga rekomendasyon sa kung ano ang gusto ng mga Snapchatter na tulad mo sa kanilang komunidad, kung ano ang nagti-trending sa kanilang hrupo at siyempre, sa kung ano ang gusto nilang panoorin.
Masaya kaming ibahagi ang bagong karanasan na ito at patuloy ang aming pagsusumikap na pagsilbihan ang aming komunidad at mga partner.