Setyembre 17, 2024
Setyembre 17, 2024

SPS 2024 | Ipinapakilala ang Bagong Spectacles at Snap OS: Ang Susunod na Frontier ng AR Glasses

Ngayon, ipinapakilala namin ang ikalimang henerasyon ng Spectacles, ang bago naming see-through, standalone na AR glasses na nagpapahintulot sa iyo na gamitin ang Lenses at maranasan ang mundo kasama ang mga kaibigan sa ganap na bagong paraan. Pinapagana ng Snap OS ang Spectacles, ang aming pinakabago at groundbreaking na operating system na idinisensyo para mapahusay kung paano natural na nakikipag-ugnayan sa mundo. Available simula ngayong araw ang Spectacles bilang bahagi ng aming Spectacles Developer Program

Gumagana rin nang maayos ang Spectacles sa iyong mobile device. Sa bagong Spectacles app, puwede mong gamitin ang phone mo bilang custom game controller sa mga Lenses, i-launch ang Spectator Mode para makita ng mga kaibigan mong walang Spectacles, i-mirror ang screen ng phone mo at marami pang iba.

Pinakabagong Hardware para sa Pambihirang Software 

Bunga ng isang dekadang research at development ang Spectacles para ipakilala ang hardware na binabasag ang mga limitasyon ng paggamit ng screen at pinagsasama ang mga tao sa totoong buhay. May kamangha-manghang teknolohiya ang Spectacles sa loob ng AR glasses na mas magaan nang kalahati kaysa sa bigat ng karaniwang VR headset na nasa 226 grams lamang. May apat itong camera na nagpapagana ng Snap Spatial Engine at nagbibigay daan para sa walang sagabal na hand tracking.

Idinisenyo ang Optical Engine at ginawa mula sa simula dito sa Snap at gumagamit ng aming sariling teknolohiya para magbigay ng see-through AR display.

Gumagawa ng malinaw at vibrant na mga image ang napakaliit at highly capable na Liquid Crystal on Silicon (LCoS) na mga micro-pojectors ng Spectacles.

Pinahihintulutan ng aming mga waveguide na makita ang mga image na mula sa LCos projector na hindi nangangailangan ng mahahabang calibration o custom na fitting. May bilyong nanostructures ang bawat advanced waveguide na nagpapadala ng ilaw sa iyong field of view para i-combine ang Snap OS sa real world.

Nagbibigay ng 46 degree diagonal field of view ang Optical Engine na may 37 pixel kada degree resolution - parang may 100 inch na display na nasa 10 talampakan ang layo. Automatic na nagkaka-tint ang Spectacles batay sa liwanang ng paligid mo kaya laging maliwanag at vibrant ang mga visual - sa loob ng bahay, sa labas o kahit sa direktang sikat ng araw

Pinapagana ng aming dual system-on-a-chip na architecture ang Spectacles. Sa tulong ng dalawang Snapdragon processor mula sa Qualcomm, hinahati ng architecture na ito ang compute workload sa pagitan ng dalawang processor na ito. Nagbibigay daan ang architecture na ito para sa mas nakakaengganyong karanasan habang binabawasan ang konsumo ng kuryente at gumagana kasama ng mga titanium vapor chamber para mapabuti ang pagbabawas sa init. Tumatagal nang hanggang 45 minuto ng tuloy-tuloy na paggamit ang Spectacles.

Snap OS: Isang Makabagong Operating System na Ginawa Batay sa Natural na Interaksyon

Binibigyang buhay ng Snap OS ang Spectacles sa pamamagitan ng isang intuitive interface at mga kakayahan na sumasalamin kung paanong natural na nakikipag-ugnayan ang mga tao sa toong buhay. Madali mong mana-navigate ang Snap OS gamit ang iyong mga kamay at boses - at madali mong maa-access ang main menu.

Naiintindihan ng Snap Spatial Engine ang mundo na nakapaligid sa iyo kaya nagiging makakatotohanan ang ipinapakita sa Lenses sa tatlong dimension. Sa bilis na 13 millesecond motion to photon latency, ginagawa nitong may pambihirang katumpakan ang Lenses, na natural na ini-integrate ang mga ito sa kapaligiran mo. 

Ginawa ang Lenses para ibahagi. Ginagawang madali ng Snap OS para sa mga developer na gumawa ng mga maibabahaging karanasan para sa mga kaibigan at pamilya na magagamit ng magkakasabay.

Ang Pangako naming Suportahan ang mga Developer + ​​Mga Bago at Pinahusay na Tool

Gusto naming maging pinakamadaling gamitin na platform para sa developer sa buong muno at bigyang kakayahan ang mga developer na mamuhunan sa paggawa ng mga nakamamanghang Lenses.

Bilang panimula, inilulunsad namin ang Spectacles nang walang developer tax at nag-aalok ng mga bagong paraan para gumawa at magbahagi ng Lenses.

Pinahusay namin ang buong karanasan ng pag-develop at pag-publish ng Lenses. Sa halip ng kumplikadong proseso ng pag-compile, pinapayagan ng bagong gawang Lens Studio 5.0 ang mga developer na mabilis na ituloy ang kanilang proyekto sa Spectacles. Sa amig bagong Spectacles Kit, puwede kang gumawa ng intuitive Lenses nang hindi na kailangang bumuo ng sarili mong interaction system mula sa simula.

Sinusuportahan ng makabagong pundasyon ng Lens Studio 5.0 ang mas kumplikado, matatag na Lenses na may Typescript, Javascript, at mas pinahusay na mga tool para sa version control para sa team-based na pagdevelop. Bukod pa rito, pinapadali ng SnapML para sa mga developer na direktang gamitin ang mga custom na ML model para sa pagtukoy, pag-track at pag-augment sa mga bagay.

Masaya rin kaming ihatid ang kapangyarihan ng mga cloud na hosted na multimodal AI model sa Spectacles sa pamamagitan ng bagong partnership kasama ang OpenAI Sa lalong madaling panahon, makakatulong ito sa mga developer na magdala ng mga bagong model sa mga karanasan sa Spectacles para magbigay ng iba pang context sa kung ano ang makikita, masasabi at maririnig mo.

Sumali sa Spectacles Developer Program sa U.S. sa halagang $99 dollars kada buwan na may isang taong taong kasunduan. Nagbibigay ang subscription ng access sa Spectacles at kasama ang suporta mula sa Snap na tulungan ang mga developer na isabuhay ang kanilang proyekto.

Nag-i-innovate kasama ang mga Partner

Gumagamit ang mga developer at team ng Lens Studio at Snp OS para gumawa ng bagong Lenses para sa Spectacles kabilang ang:

  • Ngayon, naglulunsad ang LEGO Group ng BRICKTACULAR, isang interactive AR game na ganap na kinokontrol ng boses at mga kamay mo. Gumagawa ka man ng kung ano-ano o may ginagawang tukoy na mga LEGO® set , nagbubukas ang karanasang ito ng walang hanggang posibilidad para i-challenge ang iyong sarili at tingnan kung gaano kabilis mo ito magagawa.

  • ILM Immersive, Gumagawa ng mga bagong karanasan ang award winning na interactive studio na Lucasfilm na kumokonekta sa iyo at mga kaibigan sa Star Wars Galaxy.

  • Excited kaming makipag-partner sa Niantic para dalhin ang ilan sa mga pinakanagustuhang karanasan sa Spectacles sa lalong madaling panahon, kabilang ang Peridot at Scaniverse.

  • At salamat sa Wabisabi Games, puwede ka ng maglaro ng capture the flag sa ganap na bagong paraan.

Hindi kami makapaghintay na gumawa kasama ka.

Sumali sa Spectacles Developer Program ngayon sa pamamagitan ng pagbisita sa: www.spectacles.com/lens-studio

Ang Pangako naming Suportahan ang mga Developer + ​​Mga Bago at Pinahusay na Tool

Gusto naming maging pinakamadaling gamitin na platform para sa developer sa buong mundo at bigyang kakayahan ang mga developer na mamuhunan sa paggawa ng mga nakamamanghang Lenses.

Bilang panimula, inilulunsad namin ang Spectacles nang walang developer tax at nag-aalok ng mga bagong paraan para gumawa at magbahagi ng Lenses.

Pinahusay namin ang buong karanasan ng pag-develop at pag-publish ng Lenses. Sa halip ng kumplikadong proseso ng pag-compile, pinapayagan ng bagong gawang Lens Studio 5.0 ang mga developer na mabilis na ituloy ang kanilang proyekto sa Spectacles. Sa amig bagong Spectacles Kit, puwede kang gumawa ng intuitive Lenses nang hindi na kailangang bumuo ng sarili mong interaction system mula sa simula.

Sinusuportahan ng makabagong pundasyon ng Lens Studio 5.0 ang mas kumplikado, matatag na Lenses na may Typescript, Javascript, at mas pinahusay na mga tool para sa version control para sa team-based na pagdevelop. Bukod pa rito, pinapadali ng SnapML para sa mga developer na direktang gamitin ang mga custom na ML model para sa pagtukoy, pag-track at pag-augment sa mga bagay.

Nasasabik rin kaming ihatid ang kapangyarihan ng mga cloud na hosted na multimodal AI model sa Spectacles sa pamamagitan ng bagong partnership kasama ang OpenAI. Sa lalong madaling panahon, makakatulong ito sa mga developer na magdala ng mga bagong model sa mga karanasan sa Spectacles para magbigay ng iba pang context sa kung ano ang makikita, masasabi at maririnig mo.

Sumali sa Spectacles Developer Program sa U.S. sa halagang $99 dollars kada buwan na may isang taong taong kasunduan. Nagbibigay ang subscription ng access sa Spectacles at kasama ang suporta mula sa Snap na tulungan ang mga developer na isabuhay ang kanilang proyekto.

Nag-i-innovate kasama ang mga Partner

Gumagamit ang mga developer at team ng Lens Studio at Snp OS para gumawa ng bagong Lenses para sa Spectacles kabilang ang:

  • Ngayon, naglulunsad ang LEGO Group ng BRICKTACULAR, isang interactive AR game na ganap na kinokontrol ng boses at mga kamay mo. Gumagawa ka man ng kung ano-ano o may ginagawang tukoy na mga LEGO® set , nagbubukas ang karanasang ito ng walang hanggang posibilidad para i-challenge ang iyong sarili at tingnan kung gaano kabilis mo ito magagawa.

  • ILM Immersive, Gumagawa ng mga bagong karanasan ang award winning na interactive studio na Lucasfilm na kumokonekta sa iyo at mga kaibigan sa Star Wars Galaxy.

  • Nasasabik kaming makipag-partner sa Niantic para dalhin ang ilan sa mga pinakanagustuhang karanasan sa Spectacles, kabilang ang Peridot at Scaniverse.

  • At salamat sa Wabisabi Games, puwede ka ng maglaro ng capture the flag sa ganap na bagong paraan.

Hindi kami makapaghintay na gumawa kasama ka.

Sumali sa Spectacles Developer Program ngayon sa pamamagitan ng pagbisita sa: www.spectacles.com/lens-studio

Bumalik sa Mga Balita