Abril 28, 2022
Abril 28, 2022

SPS 2022: Snap and Live Nation Partner To Enhance Concerts and Festivals with AR

Today we’re excited to announce a new multi-year partnership with Live Nation that will elevate performances beyond stages and screens - creating a deeper connection between artists and fans - through custom-built, immersive AR with help from Snap Inc.’s creative studio Arcadia.

Maraming taon nang nagsilbing canvas para sa visual na ekspresyon ang mga video screen sa mga concert at festival sa buong mundo. Nakakatulong ang mga ito sa mga artist na magbahagi ng kanilang mga kuwento at magbigay-buhay sa musika. Naniniwala kaming nagbibigay sa mga artist ang augmented reality ng Snap ng mahusay at bagong tool para sa pagkamalikhain na magbabago sa paraan kung paano nararanasan ng fans ang kanilang mga performance. 

Ngayong araw na ito, nasasabik kaming ianunsyo ang isang bagong multi-year na partnership kasama ang Live Nation na magpapaganda sa mga performance nang higit pa sa mga entablado at screen - na gumagawa ng mas malalim na koneksyon sa pagitan ng mga artist at fans - sa pamamagitan ng custom-built at magandang AR sa tulong ng Arcadia, ang creative studio ng Snap Inc.

Mabubuksan ng fans ang Snapchat Camera sa mga piling concert para sa mga karanasan gamit ang AR na mahusay na naka-built in sa karanasan ng pagdalo sa  pagtatanghal, na tumutulong na maiparating ang canvas sa pagkamalikhain ng artist sa madla at na makagawa ng mga sandaling walang katulad at hindi malilimutan. Sa mga festival magagamit ng mga dumalo ang AR para sumubok ng merchandise, maghanap ng friends, at mag-discover ng mga eksklusibong landmark na malapit sa pinagdarausan ng festival. 

Mula sa Lollapalooza sa Chicago at Wireless Festival sa London, hanggang sa Rolling Loud sa Miami at The Governors Ball sa New York, papagandahin sa paparating na taon ang mga festival sa pamamagitan ng Snap AR. 

Una sa lahat, ang Electric Daisy Carnival, na tumulong sa aming gawin ang unang “Story Natin” 8 taon na ang nakalipas, ay ginagamit ang aming augmented reality na teknolohiya para maranasan ng fans ang mga festival sa pamamagitan ng bagong Lens. Mararanasan ng mga nagpupunta sa festival ang live na musika sa bagong paraan, simula sa paparating na event sa May.

Back To News