
Nagdagdag ang Snap AR ng bagong facet sa Iconic Jewelry ng Tiffany & Co.
Sa pakikipagtulungan sa Tiffany and Co., dinadala ng Snap AR ang 185 taon ng House of Tiffany at ang paglulunsad ng exhibition nito, ang Vision & Virtuosity, sa Saatchi Gallery sa London, sa isang bagong dimensyon.

Sa pakikipagtulungan sa Tiffany and Co., dinadala ng Snap AR sa isang bagong dimensyon ang 185 taong House of Tiffany at ang paglulunsad ng exhibition nito na Vision & Virtuosity, sa Saatchi Gallery sa London.
Ang exterior ng Saatchi Gallery ay ginagawang isang magandang alahas ng Tiffany gamit ang Custom na Landmarker na teknolohiya ng Snap, na inanunsyo noong unang bahagi ng taong ito bilang bahagi ng Snap Partner Summit.
Para sa mga nangangarap na magsuot ng isa sa mga alahas ng Tiffany & Co., sa loob ng exhibit ay ang isang eksklusibong karanasan sa Try-On sa AR na nagbibigay sa mga bisita ng pagkakataong isuot ang sikat na Tiffany Diamond. Available ang Lens para sa mga taong nasa mga gallery hall sa pamamagitan ng Tiffany App, na pinapagana ng Camera Kit.
Para sa Mga Snapchatter sa buong mundo, masusulyapan din nila ang kinang ng alahas Sa pamamagitan ng Lens na available sa buong mundo na nagtatampok sa heritage ng Tiffany and Co. na Bird on a Rock, makikita mo na ang ibong Schlumberger na lumilipad sa kapaligiran mo. I-extend ang kamay para makita kung saan dadapo ang ibon! At sa pamamagitan ng pangalawang Lens na tinatawag na Diamond Facets, matitingnan mo ang mundo sa pamamagitan ng mga repleksyon ng liwanag ng Tiffany diamond.
Makiisa sa pagdiriwang sa Snapchat dito!