Bilang app na nakabatay sa pagiging panandalian ng mga bagay, alam naming tumatanda at nagbabago ang mga tao-gaya ng nangyari sa amin sa nakalipas na sampung taon. Kaya simula ngayong araw na ito, magagawa ng lahat ng Snapchatter na baguhin ang kanilang mga Username.
Magagawa ng mga Snapchatter na i-update ang kanilang Username sa anumang hindi pa nagagamit na handle nang isang beses sa isang taon, nang hindi naaapektuhan ang kanilang Snap Codes, Streaks, Scores, o Memories. Magagawa nilang panatilihin ang lahat ng friends nila at ipagpatuloy ang mga chat nila, gamit ang kahit anong Username na pinakanaaangkop sa kanila.
Ang feature na ito ay napakahalaga at matagal nang hinihiling ng maraming tao mula sa community namin. Panoorin ang video sa ibaba para malaman mismo sa community namin kung ano ang ibig sabihin ng update na ito para sa kanila.
Panahon nang mag-update? Ganito ito gawin:
I-tap ang Bitmoji icon sa kaliwang sulok sa itaas ng Camera para pumunta sa profile screen
Piliin ang settings sa pamamagitan ng pag-tap sa gear icon sa kanang sulok sa itaas ng profile
I-tap ang “Username,” na nasa ibaba lang ng Pangalan, at piliin ang “Baguhin ang Username” na minarkahan ng asul
Mula roon, i-click ang magpatuloy na nasa pop up na nagpapaalala na pwede lang baguhin ang mga Username nang isang beses sa isang taon
Mag-type ng bagong Username, pindutin ang susunod, at mag-log in ulit sa Snapchat para tapusin ito!