Oktubre 14, 2013
Oktubre 14, 2013

Sino ang Makakakita sa Aking mga Snap at Story

Dalawang tanong na madalas naming natatanggap ay “itinatago niyo ba ang lahat ng Snap?” at “tinitingnan niyo ba ang mga ito?” Detalyadong ipinaliwanag sa isang naunang blog post kung paano iniimbak ang mga Snap at kung kailan binubura ang mga ito, kaya ngayon sa pagpapakilala ng mga Story, gusto naming magbahagi nang kaunti tungkol sa access.