Noon pa man, nagbibigay na sa amin ng inspirasyon ang kapangyarihang taglay ng mga tunay na pagkakaibigan sa pagsuporta sa kalusugan at kasiyahan. Totoo ito partikular para sa aming komunidad. Ang bagong pananaliksik tungkol sa mga karanasan ng mga Snapchatter sa mental health ay kumukumpirma sa naipakita ng maraming pag-aaral -- na ang friends ang una nilang nilalapitan kapag kinakaharap ang stress, anxiety, depresyon, at marami pang ibang emosyonal na pagsubok.
Naniniwala kami na ang Snapchat ay may magagampanang natatanging tungkulin sa paghihikayat sa mga kaibigan na tulungan ang isa't isa sa mga napakahirap na panahong ito. Noong Marso, inilunsad namin ang Here For You na isang feature na nagbibigay sa mga Snapchatter ng mga ekspertong resource kapag naghahanap sila ng mga paksang nauugnay sa mental health at kapakanan.
Ngayon, ipinakikilala namin ang mga karagdagang feature na idinisenyo para masuportahan pa ang mga Snapchatter at kanilang friends sa pamamagitan ng premium na content, at mga partnership:
Nakikipagtulungan kami sa Headspace, isang pandaigdigang pinuno sa meditation at mindfulness, para maibigay ang kanilang napakahusay na content at mga resource nang direkta sa Snapchat. Sa mga susunod na linggo, mag-aalok ang Headspace ng mga may gabay na mini-meditation at tool para sa pagtulong sa aming komunidad na makumusta ang kanilang friends.
Naniniwala kaming makakatulong ang nakakahikayat na content na i-demystify at i-destigmatize ang mental illness, at sa unang bahagi ng taong ito, naglunsad kami ng documentary series mula sa Barcroft na pinamagatang "Mind Yourself" na sinubaybayan ang mga karanasan sa mental health ng 10 kabataan. Ngayong araw na ito, inaanunsyo namin ang isang bagong Snap Original na unang ipapalabas sa huling bahagi ng taong ito. Sa "Coach Kev,"si Kevin Hart, na nakakuha ng inspirasyon mula sa kanyang mga sariling karanasan, ay naging isang coach at mentor, na nagbabahagi ng positivity at karunungan para sa sinumang gustong mabuhay nang makabuluhan.
Pinapadali rin namin para sa mga Snapchatter na nakakaranas ng krisis na mag-access ng mga resource sa aming app. Ang aming reporting tools sa app ay nagbibigay-daan sa mga Snapchatter na alertuhan kami kapag nag-aalala sila na posibleng magdulot ng kapahamakan sa sarili ang kanilang friends, at kapag inalertuhan kami, aabisuhan namin ang friend na iyon tungkol sa mga tulong na magagamit niya. Lubos naming pinapaganda ngayon ang karanasan, sa pamamagitan ng pagpapakita kaagad sa mga Snapchatter kung paano nila magagawang kumonekta sa mga serbisyo ng emergency, magmensahe sa propesyonal na tagapayo sa pamamagitan ng Crisis Text Line, o makipag-usap nang live sa isang tao sa National Suicide Prevention Hotline.
Umaasa kami sa pagdaragdag sa mga pagsisikap na ito at sa paggawa ng mas marami pang paraan para mabigyan ng kakayahan ang friends na matulungan ang friends.