Setyembre 18, 2012
Setyembre 18, 2012

Ikinalulungkot Namin

Kami ay nagtatrabaho araw at gabi para matugunan ang napakalaking pagdami ng traffic sa serbisyo ng Snapchat at maghanda para sa isang malaking update sa produkto. Dahil sa milyun-milyong snap na ipinapadala araw-araw, kung minsan ay mas mabagal ang aming mga server kaysa sa gusto namin. Para matugunan ang problemang iyon, gumawa kami ng mas mabilis na paraan para magsulat ng data sa aming mga server. Sa kasamaang palad, kaninang umaga, nang inilabas namin ang pagbabagong iyon, nasira ang ilang data ng account. Naapektuhan nito ang 0.3% ng aming mga user.

Araw-gabi kaming nagtatrabaho para maharap ang malalaki at mabibigat na pagtaas sa traffice sa serbisyo ng Snapchat at maghanda para sa isang pangunahing product update. Sa may milyun-milyong snaps na ipinadadala araw-araw, minsan mas mabagal ang servers namin kaysa sa inaasahan namin. Para tugunan ang problemang iyon, bumuo kami ng mas mabilis na paraan para sumulat ng data sa aming servers. Sa kasamaang palad, nitong umaga, nang itulak namin ang pagbabagong iyon, na-corrupt ang ilang account data. Naapektuhan nito ang 0.3% ng aming mga user.

Alam namin kung gaano nakakadismaya kapag down ang Snapchat. Ito ang paborito nating paraan para makipag-ugnayan sa mga kaibigan at patawanin ang isa't isa. Masakit kapag hindi namin kayang ibigay ang serbisyo namin sa lahat ng aming nakamamanghang snappers.

Pinahahalagahan talaga namin ang inyong suporta – sa Twitter, sa email, at sa Facebook. Nakikipag-ugnayan kami sa lahat na naapektuhan para masimulan namin ang proseso ng pagbabalik-akses sa mga account na iyon. Ipaalam sa amin kung patuloy kang nakakaranas ng mga isyu: support@snapchat.com

Mayroong ilang paparating na anunsyo sa produkto na talagang nakakatuwa – manatiling nakasubaybay at happy snapping! Humihingi talaga kami ng pasensya at nadismaya namin kayo ngayong araw.

Bumalik sa News