
Ipinapakilala ang Mga Bagong Paraan para Makakuha ng Gantimpala at Makahanap ng Tagumpay Para sa Mga AR Creator at Developer
Gusto naming maging pinakamadaling gamitin na platform para sa developer sa buong mundo at bigyang kakayahan ang mga developer na mamuhunan sa paggawa ng mga nakamamanghang Lenses.
Sa Snap, nakatuon kami sa pagsuporta sa aming mahigit 375,000 AR na mga creator, developer at team mula sa halos lahat ng bansa sa buong mundo, mula sa oportunidad ng monetization hanggang sa pagababago kasama ang makabagong teknolohiya sa Spectacle at Snap. Nasasabik kaming ianunsyo ngayon ang Challenge Tags kasama ang pang-edukasyon na pagpepresyo at isang espesyal na diskwento ng estudyante para sa mga Spectacle, na ginagawang mas naa-access ang paggawa ng mga Lens.

Ipinapakilala ang Challenges Tags
Nasasabik kaming ianunsyo ang bagong paraan kung saan ang mga Snap AR developer ay maaaring gantimpalahan para sa kanilang pagkamalikhain: Challenge Tags. Ngayon, maaring manalo ang mga developer ng mga papremyo pera sa pagsusumite ng mga Lens gamit ang aktibong Challenge Tags kung saan hinuhusgahan sa kanilang pagka-orihinal, teknikal na kahusayan, at pagtuon sa tema.
Narito kung paano ito gumagana: Nakipagtulungan kami sa AR marketing platform na Lenslist upang makalahok ang mga AR developer mula sa mahigit 100 bansa sa buong mundo — maging sila man ay ngayon pa lang natutuklasan ang Snap AR o bahagi na ng aming komunidad.
Maaaring magparehistro ang mga AR developer sa bawat challenge, gumawa ng Lens gamit ang aming AR authoring tool na Lens Studio, at ilapat lang ang Challenge Tag sa proseso ng paglathala ng Lens na isasaalang-alang. Ang mga bagong challenge ay iaanunsyo sa bawat buwan na may pagkakataong manalo ng ipapamahagi na kabuuang halaga ng premyo.
Ang tema ng unang Challenge Tag ay pagpapatawa at bukas hanggang ika-31 ng Enero. Nag-aalok ito ng $10,000 na kabuuang premyo na may una, pangalawa at pangatlong puwesto na nanalo ng $2,500, $1,500, at $1,000 ayon sa pagkakabanggit, at dalawampung marangal na pagbanggit na mag-uuwi ng $250. Iaanunsyo ang mga mananalo ng mga Lens sa ika-14 ng Pebrero.
Bagong Pagpepresyo ng Pang-edukasyon at Espesyal na Diskwento sa Estudyante para sa Spectacles
Mula nang ipakilala ang Spectacles, nagkaroon kami ng napakaraming interes mula sa mga estudyante, guro, at kawani mula sa mga kolehiyo at unibersidad sa buong mundo. Upang matiyak na ang Spectacles ay naa-access sa komunidad na ito, ipinapakilala namin ang pang-edukasyon na pagpepresyo at isang espesyal na diskwento ng estudyante para sa bayad sa subscription na $49.50 o €55 sa isang buwan.
Maaari mong ma-access ang aming pang-edukasyon na pagpepresyo at espesyal na diskwento ng estudyante sa lahat ng mga bansa na available ang Spectacles na kinabibilangan ng US, France, Germany, Spain, Italy, Austria at Netherlands. Sinumang estudyante at guro ang naka-enroll at nagtratrabaho sa isang akreditadong institusyong pang-edukasyon ng merkadong ito ay karapat-dapat.
Mag-apply sa Spectacles Developer Program gamit ang iyong .edu o email address ng institusyong pang-edukasyon at magsimulang bumuo 1!