Oktubre 17, 2024
Oktubre 17, 2024

Nagbi-build na ang mga Developer para sa Spectacles – Sumali sa amin Ngayon!

Ipinakilala namin ang panglimang henerasyon ng Spectacles at ang aming pinakabagong operating system ng Snap OS noong nakaraang buwan sa aming taunang Snap Partner Summit. Kinabukasan sa Lens Fest, nakatanggap ang isang grupo ng mga developer, creator, at enthusiast ng Lens ng Spectacles at subscription sa developer program upang simulan ang kanilang pagsasaliksik sa platform. 

Kami ay namangha na makita ang mga Lenses na nagawa ng mga developer sa loob lamang ng ilang linggo. Nagawa na ng mga developer ang Lenses na nakatulong sa ating komunidad na maging bihasa sa sining ng calligraphy, gumawa ng mas magagandang tira sa pool, at gawing mga interactive adventure ang mga paglalakad sa labas. Mundo ang kanilang canvas, walang katapusang posibilidad ang kayang gawin ng mga developer para matulungan ang aming komunidad na matuto, maglaro at magtrabaho. 

Narito ang ilan sa aming paborito kasama ang mga personal na natutunan mismo ng mga developer. Sumali sa Spectacles Developer Program ngayon sa https://www.spectacles.com/lens-studio.



Origami ni Inna Sparrow

Snapchat | inna-sparrow
X |
inna_sparrow

“Isang mahiwagang paper art ang Origami, at gusto ko ang ideya ng paggawa ng mga volumetric shape mula sa mga flat na piraso ng papel dahil tumutugma ang mga ito sa propesyon ko bilang arkitekto. Maaaring dahan-dahang maghatid ng gustong impormasyon sa AR ang Spectacles na pinapasimple ang anumang karanasan dulot ng pagiging madaling gamitin, natural, at komportable nito. At dahil kailangan mong gumamit ng dalawang kamay sa paggawa ng origami, angkop ang operating system ng Spectacles. 


Calligraphy ni Vova Kurbatov

Snapchat | stpixel
X |
V_Kurbatov

“Napakadali at magaan ng Lens Studio feels at perpekto ito sa paggawa ng kahit anong AR experience para sa bagong Spectacles, at may manipis at cohesive na disenyo ang mismong Spectacles na may tamang feature na pinapayagan akong gumawa nang walang sagabal. Nagsimula kami sa Calligraphy, dahil sinubukan na naming bumuo ng mga use case sa iba't ibang platform pero hindi man lang gumana. Nakatulong sa akin ang mga ready-to-reuse na asset na bumuo ng kumpletong flow at makapagsulat ng mabilis.”


Pool Assist ng Studio ANRK

Snapchat | anrick 
X |
studioanrk

"Napakasayang bumuo para sa Spectacles lalo na bilang rapid prototyper. Napakadaling magsimula sa platform, na nagbibigay daan sa amin na isakatuparan ang malikhaing ideya, baguhin at mas malalim na paunlarin. Nagustuhan namin kung paano kami pinapayagan ng Spectacles na pag-isipang muli ang paraan ng aming pakikitungo sa mga public space, sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga tangible na effect sa mga totoong bagay. Nagmula ang ideya sa likod ng Pool Assist mula sa panonood ng maiikling gabay kung paano maglaro ng pool sa social media at naisip namin, bakit hindi isakatuparan ang detalyeng iyon sa totoong buhay para sa mga tao sa AR?"


Emergensee ng Team ZapChat (aming 2024 Lensathon winner!)

Snapchat | samjones.ar | three.swords | paigepiskin | emma.sofjia | gokatcreate 
X |
@refract_studio | @paigepiskin | @eemmasofjia | @gokatcreate

“Bilang Team ZapChat sa 2024 hackathon, bumuo kami ng isang augmented reality na experience gamit ang Spectacles na nagtuturo sa mga ordinaryong tao kung paano gamitin ang epinephrine injector (EpiPen) sa mga emergency. Dahil 16% lang ng mga EpiPen user ang kayang magpakita ng tamang paggamit, sinadya naming mag-focus sa mga consumer, hindi sa mga medical professional. Gusto naming gamitin ang augmented reality at Spectacles para bigyang kakayahan ang sinuman na may kumpiyansang gamitin ang mga tool na ito, at may malasakit sa mundo kung saan ang bawat isa ay may kakayahan na gamitin ang mga ito kung kailan ito higit na kailangan.”


RPG ni Aidan Wolf

Snapchat | aidan_wolf 
X |
aidan _wolf

“Hango ang RPG sa pakikipagsapalaran ko noong bata pa ako kasama ang mga kapatid ko kung saan gamit ang isang stick sa kamay at konting imahinasyon, nagiging mundo ng magic at mga halimaw ang gubat. Naglalakad ako papunta sa kahit saan hanggang sa ngayon, at isang magandang paraan para mag-reconnect sa aking inner child ang pagkakaroon ng game na malalaro ko habang naglalakad sa kainitan ng araw sa labas. Nang pinagsama ko ang nostalgia na ito at ang fitness oriented na step counter, bigla kong naisip ang isang produkto na hindi lang astig pero isa ring bagay na naisip kong puwedeng gamitin araw-araw ang Spectacles. ”

Bumalik sa Mga Balita