Enero 15, 2025
Enero 15, 2025

Mahanap ang Mga Paborito mo sa Snapchat

Binibigyang pansin ng bagong campaign ng Snap ang lumalagong komunidad ng mga Creator.

Mahalaga sa Snapchat ang mga creator at nagustuhan ng ating komunidad ang kanilang content. Sa katunayan, mayroong halos 15 bilyon na interaksyon sa pagitan ng mga creator at kanilang mga fan sa Snapchat araw-araw. 1

Habang patuloy kaming sumusuporta sa mga pambihirang creator sa aming platform, gusto naming siguraduhin na alam ng lahat, kahit yung wala sa Snapchat, kung saan nila mahahanap ang kanilang mga paboritong content creator.

Kaya naman ngayon, maglulunsad ang Snapchat ng bagong campaign na “Find Your Favorites on Snapchat” batay sa mga creator, na magsisimula nang ilunsad sa iba't ibang digital channel sa buong US.

Tampok ang ilan sa sikat na creator katulad nina Loren Gray, Savannah Demers, Matt Friend, Avani Gregg, at Harry Jowsey, magbibigay ang “Find Your Favorites on Snapchat” sa iyo ng sulyap kung paano nakikipag-ugnayan ang mga creator sa kanilang mga audience sa tunay at makabuluhang paraan sa Snapchat. Tingnan ito:

Nakatulonng sa akin ang Snapchat na makipag-ugnayan sa mga fan ko sa mas personal na level. Ilang TAON ko nang ginagamit ang Snapchat at siya pa rin ang pinakanagagamit kong app. Pinapahintulutan ako nitong makakuha ng reward habang napapanatili ang totoong ako.

Avani Gregg


Ang Snapchat ang pinakamaganda at pinakamadaling platform para magpalago ng totoong komunidad kaya natural lang na gawin namin ang campaign na ito. Sa ibang app, parang kailangan pang i-curate ng maigi, pero sa Snapchat walang pressure at para lang akong nakikipag-usap sa mga kaibigan. Ang saya na makita kong paanong ang pagpo-post ko araw-araw sa Snapchat ay nakatulong para tumaas nang malaki ang mga numero ng podcast ko dahil nakikilala nila ang totoong ako.

Harry Jowsey


Nag-aalok kami ng iba't ibang paraan para matulungan ang mga creator na magtagumpay sa Snapchat. Nakatulong ang mga pagsisikap namin na suportahan ang mga creator sa pagtaas ng bilang ng mga creator na nagpo-post ng content, na tumaas ng mga 50% taon-taon noong Q3 ng 2024 2Ayon sa aming report, tumaas ng 25% taon taon ang kabuuang oras na ginugol sa panonood ng content sa Snapchat at umabot sa higit 500 milyon sa average kada buwan ang mga active user ng Spotlight sa Q3 ng 2024. 3

Kamakailan lang, ini-announce namin ang bagong unified Monetization Program na nagbibigay-daan sa mga eligible na creator na kumita ng bahagi mula sa kita ng mga ad na ipinapakita sa kanilang content. Tumutulong ang aming Snap Star Collab Studio para mapabilis ang partnership ng mga creator at brand, at sumusuporta ang aming 523 program sa mga creator na mula sa mga underrepresented na komunidad. Nag-aalok din kami ng mga program sa mga AR Lens creator at developer. Puwedeng matutunan ng mga creator kung paano sila kikita sa aming Creator Hub.

Bumalik sa Mga Balita

1

Snap Inc. internal na data – Q2 2024 Mga Kita

2

Internal data ng Snap Inc - Mga Kita sa Q3 2024

3

Internal Data ng Snap Inc. Q3 2024 v Q3 202

1

Snap Inc. internal na data – Q2 2024 Mga Kita

2

Internal data ng Snap Inc - Mga Kita sa Q3 2024

3

Internal Data ng Snap Inc. Q3 2024 v Q3 202