Sa pagdiriwang ng nalalapit na Pandaigdigang Araw ng Mga Bantayog at Lugar, ibinabahagi namin ang unang bugso ng mga proyekto mula sa aming maramihang-taon na inisyatiba ng LACMA x Snapchat, ang Mga Pananaw sa Bantayog.
Nagsama-sama ang mga Artist at Snap Lens Creator para gumawa ng limang bagong bantayog na augmented reality na tumutuklas ng kasaysayan at pagkatawan sa mga komunidad sa buong Los Angeles. Dinisenyo para maranasan sa mga lokasyon sa paligid ng lungsod sa pamamagitan ng Snapchat Camera, mahahanap mo ang mga ito kabilang ang LACMA, MacArthur Park, Earvin "Magic" Johnson Park, at Los Angeles Memorial Coliseum. Maaaring madiskubre ng mga nasa lugar ang mga virtual na bantayog sa pamamagitan lamang ng paghahanap ng kanilang marker sa Snap Map. Maaari ring makita ng sinuman sa buong mundo ang mga bantayog, nasaan man sila mula sa kanilang mobile phone sa pamamagitan ng pagpunta sa lacma.org/monumental.
Kabilang sa mga proyektong ito ay:
Ang immersive na Portal sa Tovaanger ni Mercedes Dorame, na tumutuklas sa mga nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap na mundo para sa Katutubong presensya sa kontemporaryong Tovaangar (Los Angeles), na ginawa katuwang si Sutu, isang Snap Lens Creator.
Ang Think Big na animation ni I.R. Bach na dinisenyo para magbigay ng inspirasyon sa pagmumuni-muni sa sarili, ginawa katuwang si James Hurlbut, isang Snap Lens Creator.
Ang landas ng mga henerasyonal na kwento ng pagiging konektado ni Glenn Kaino sa ruta ng 1932 L.A. Olympic marathon, ginawa katuwang ang Snap Lens Creator na si Michael French, na tinatawag na No Finish Line.
Parangal ni Ruben Ochoa sa ibinahaging kasaysayan ng mga manininda sa kalsada sa L.A., ginawa katuwang si Sallia Goldstein, isang Snap Lens Creator, na tinatawag na ¡Vendedores, Presente!.
Ang memorial series ni Ada Pinkston na nagbibigay ng pagkilala kay Biddy Mason, ginawa katuwang ang mga Snap Lens Creator na sina Charles Hamblen at Sutu, na tinatawag na The Open Hand is Blessed.
Ang nagpapatuloy na paglawak ng proyektong ito ay sinusuportahan ng The Andrew W. Mellon Foundation, ang pinakamalaking tagapondo ng sining, kultura, at humanidades sa U.S.
Sa pakikipagtulungang ito sa LACMA, natutuwa kami na ang aming teknolohiya sa augmented reality ay naging kasangkapan sa pag-immerse para sa adbokasiya at pagkatawan. Inaasahan namin ang patuloy na pagbibigay ng lakas sa mga artist at Lens Creator, at pagsuporta sa kanilang pagnanais na ibahagi ang mga hindi naibubunyag na kuwento sa pamamagitan ng mga bagong lente.