Mayo 24, 2024
Mayo 24, 2024

Naghahanda Na Ang Snap Para Sa Mga Eleksyon sa EU Ngayong Taon


UPDATE: Noong Hunyo 24, 2024, ibinahagi namin ang aming mga natutunan kaugnay ng mga halalan sa Parliyamento ng EU.

  • Sa pangkalahatan, ginanap ang mga halalan sa Europe sa isang positibong online environment nang walang malaking banta. Kinumpirma ito ng European Commission at mga hiwalay na observer, na nagpatunay na wala silang naobserbahang malaking banta sa online.

  • Nakakita si Snap ng maliit na pagtaas sa iniulat na aktibidad, pero hindi nakatanggap o nakapansin ng anumang mahalagang insidente o pagbabanta.

  • Gumana nang maayos ang aming mga tool sa pag-moderate at pag-uulat, at wala sa mga naiulat na content ang na-verify bilang maling impormasyon sa Snapchat.

  • Habang papalapit ang mga halalan, dumalo ang Snap sa maraming cross functional stakeholder meeting, kasama ang mga civil society organization at regulator, kabilang ang European Commission, at iba pang platform para magbahagi ng impormasyon. Naniniwala kami na nakapag-ambag ang mga stakeholder meeting na ito sa positibong resulta ng halalan, at inaasahan namin ang pagpapatuloy ng ganitong mga pakikipag-ugnayan.

  • Nagpadala ang Snap ng push notification sa mahigit 50 milyong user para hikayatin silang bomoto sa mga halalan at ginawang available ang AR election Lenses para i-promote ang pakikilahok ng publiko. Ipinagmamalaki namin na ginawa namin ang aming tungkulin para makapag-ambag sa pinakamataas na naobserbahang turnout sa nakalipas na 30 taon, kung saan 51.08% ng 357 milyong kuwalipikadong mamamayan ang lumahok sa halalan.

***

Noong Mayo 24, 2024, na-publish namin ang sumusunod na blog post kung paano naghahanda ang Snap para sa mga halalan sa EU ngayong taon.

Sa pagitan ng 6-9 ng Hunyo, mahigit sa 370 milyong mga European sa 27 na mga bansa ay didiretso sa mga botohan para ihalal ang kanilang mga miyembro para sa Parlamento ng Europa. 

Sa umpisa ng taong ito, inilatag ng Snap kung ano ang gagawin nito para maghanda sa higit pa sa 50 na mga eleksyon na mangyayari sa buong mundo sa 2024, kasama na dito ang kakadagdag lang na UK noong Hulyo 4. Kasama dito ang muling pagtitipon ng matagal nang election integrity team, na kinabibilangan ng mga eksperto sa misinformation, politikal na advertising, at cybersecurity, para imonitor ang lahat ng mga kaugnay na nangyayari para sa darating na mga eleksyon.

Dagdag pa sa mahalagang pandaigdigang trabahong ito, gusto naming ibahagi na ginagawa namin ito partikular na para maghanda sa darating na mga eleksyon sa Europa.

Paghihikayat sa mamamayan na makibahagi sa mga eleksyon sa EU

Magkakaroon ang mga halalan sa Europe na ito ng mas marami pang first-time na botante na kuwalipikadong lumahok—pagkatapos ng desisyon ng Belgium at Germany na sumama sa Austria, Malta, at Greece sa pagbababa ng edad para makaboto at gawin itong 16 na taong gulang. 

Naniniwla kami na isa sa mga pinakamakapangyarihang anyo ng pagpapahayag ng sarili ang pansibikong pakikilahok at dati nang gumana sa mga awtoridad sa halalan sa France, Netherlands, at Sweden para magpalaganap ng kamalayan tungkol sa mga halalan at manghikayat ng pakikilahok. 

Una pa sa mga eleksyon sa EU ngayong taon, nagtambal kami ng Parlamento ng Europa sa espesyal na AR elections Lens* na naghihikayat sa mga tao na lumabas at bumoto. Habang nangyayari ang eleksyon, ibabahagi namin ang Lens na ito sa lahat ng EU Snapchatters kasama ang mensahe na nagpapaalala sa kanila na bumoto at isang link sa website ng eleksyon ng Parlamento.

   

Nakikipag-partner din ang Snapchat sa European Parliament at European Commission para i-promote ang kanilang ‘Paggamit ng campaign sa impormasyon sa pagboto tungkol sa mga halalan, kasama ang inilaang Lens, at kanilang awareness campaign tungkol sa mga panganib ng maling impormasyon at mapanlinlang na content. 

Pakikipaglaban sa misinformation sa EU

Nananagutan kami na pigilan ang pagkalat ng misinformation. Ang aming Community Guidelines ay palaging ipinagbabawal ang pagkalat ng misinformation at sadyang nakaliligaw na content - kasama na ito ang deepfakes at mapanlinlang na minanipulang content. 

Dahil nagbabago ang mga teknolohiya, in-update namin ang aming mga patakaran para masaklaw ang lahat ng format ng content — ginawa man ito ng isang tao o binuo gamit ang artificial intelligence.  

Sa paghahanda para sa mga eleksyon ng EU ang mga ginawa namin ay:

  • Nag-sign up sa AI Elections Accord, kasama ang ibang mga kumpanya ng teknolohiya, kung saan sumumpa kaming magtrabahong magkakasama na gumawa ng mga tool na nakakakita at pumipigil sa pagkalat ng content na gawa ng AI na gustong linlangin ang mga botante. 

  • Ipinakilala ang mga kontekstwal na mga simbolo para tulungan ang aming komunidad na makaintindi kapag sila ay nakikipag-ugnayan sa Snap generated na AI content.

  • Mas tinuruan ang My AI na umiwas sa mga politikal na paksa.

  • Naki-partner sa Logically Facts, ang nangungunang fact checking na organisasyon at signatory ng EU Disinformation Code of Practice, para makatulong sa pagsiyasat ng mga politikal na ad statements sa Europa.

Ang mga pagbabago sa aming mga patakaran sa politikal at advocacy advertising na partikular sa EU

Ang politikal na ads sa Snapchat ay karaniwang hindi maaaring ilagay ng mga tao o mga entidad na hindi mga residente ng bansa kung saan tatakbo ang ad.  Gayunpaman, kamakailan lang ay naglagay kami ng eksepsyon para payagan ang advertisers na naka-base sa EU na magpatakbo ng mga politikal na kampanya para sa buong Europa sa Snap. Dahil dito, nakaayon ang aming mga patakaran sa politikal na ads sa kamakailan lang na pinagtibay na mga batas sa EU na nagpapahintulot sa cross-border na politikal na ads sa loob ng EU, habang pinagbabawal pa rin ang politikal na ads mula sa mga bansang hindi miyembro. 

Ang mga hakbang na ito ay patuloy na sinasamahan ng aming matatag na integrity safeguards, kasama ang proseso na pagsusuri ng tao na nagsisiyasat sa politikal na ads bago pa ito maaaring lumabas sa aming plataporma.

Naniniwala kami sa mga hakbang na ito para tumulong na hikayatin ang ating komunidad na gamitin ang kanilang karapatang bumoto, at tumulong na mapanatiling isang lugar ang Snapchat para sa ligtas, responsable, tumpak, at kapaki-pakinabang na balita at impormasyon. 

* Posibleng bahagyang nag-iiba-iba ang mga pinal na live version ng Lens mula sa mga preview na ito.  

Bumalik sa Balita