Abril 19, 2023
Abril 19, 2023

SPS 2023: Pagpapahusay sa Live Music Experience sa pamamagitan ng AR

Ginagawang mas immersive ng Snapchat ang pagpunta sa isang music festival o panonood ng live concert sa pamamagitan ng bagong augmented reality na mga karanasan at teknolohiya

Sa Snap, gustong-gusto naming bumubuo ng mga bagong paraan para tulungan ang mga tao na maranasan ang mundo at ang mga bagay na pinapahalagahan nila — ito man ay pang-araw-araw na komunikasyon sa mga kaibigan at pamilya, pagpapaganda ng fashion gamit ang AR try-on technology, pagpunta sa sporting events at pagpapahusay sa karanasan ng fans, at maging panonood ng live music.

Ang ating komunidad ay puno ng music fans, at iniulat ng 85% ng mga Snapchatter na ginagamit nila ang app para paigtingin ang kanilang karanasan ng panonood ng live music. 1Ngayong taon, humandang maranasan ang live music nang hindi tulad ng dati! 

Live Nation

Pinagtitibay namin ang aming multi-year partnership sa Live Nation para paigtingin ang live music gamit ang augmented reality at nagdadala kami ng mga custom na AR experience sa 16 sa pinakamalalaking festival, kasama na ang:

  • Beyond Wonderland Southern California (San Bernardino, CA)

  • Electric Daisy Carnival (Las Vegas, NV) 

  • Creamfields South (Hylands Park, UK)

  • Roots Picnic (Philadelphia, PA)

  • The Governors Ball (New York, NY)

  • Bonnaroo Music & Arts Festival (Manchester, TN)

  • Day Trip Festival (Long Beach, CA) 

  • Wireless Festival (Finsbury Park, UK)

  • Lollapalooza Paris (Paris, France) 

  • Rolling Loud Miami (Miami, FL)

  • Lollapalooza (Chicago, IL) 

  • Creamfields North (Daresbury Estate, UK)

  • Reading Festival (Reading, UK) 

  • Leeds Festival (Bramham Park, UK) 

  • Lights On (Mountain View, CA)

  • Austin City Limits (Austin, TX)


Ang aming AR Compass at 3D map ng grounds ay magiging available sa lahat ng ito at tutulong sa iyong makapunta sa tamang stage sa tamang oras at mahanap ang iyong mga kaibigan sa halip na mawala sa dami ng tao. Gamit ang custom AR Lenses para ipahayag ang iyong sarili at pagandahin ang Snaps, talagang mag-iiba ang tingin ng mga festival-goer sa musika.

Bagong Integration sa Disguise

Ngayon, na-share na rin namin ang aming bagong integration sa Disguise, ang nangunguna sa industriya ng live event visualization at virtual production technology, na maghahatid ng Snap AR sa ilan sa pinakamalalaking venue at tour sa buong mundo. Sa mga show na ito sa hinaharap, makikita ng fans ang mga AR visual sa pamamagitan ng Snapchat camera na nakikipag-interact sa on-stage visual production, gamit ang Disguie RenderStream, na walang katulad na nagbibigay-buhay sa malikhaing ideya ng artist.

Kygo

Makikipag-team up din kami sa isa mga pinakasikat na DJ sa mundo, si Kygo, para gumawa ng mga AR experience para sa ilan sa kanyang mga concert ngayong summer para lalong madama ng fans ang kanyang musika, at hindi na kami makapaghintay na makatrabaho ang mas maraming artist ngayong taon.

Nasasabik kami na patuloy na gawing mas immersive pa ang mga live performance para talagang mag-iba ang tingin ng mga Snapchatter sa musika.

Bumalik sa Balita

1

2023 na pananaliksik na kinomisyon mula sa Crowd DNA

1

2023 na pananaliksik na kinomisyon mula sa Crowd DNA